An unexpected end to my Blogging/Friendster Hiatus
Monday, February 20th, 2006Matagal akong napahinga sa Friendster and pag Blog hindi dahil sa kinatamaran ko na naman ito….ok….hindi LAMANG dahil sa kinatamaran ko ito kundi dahil sa blocked ang friendster sa office.
Ang simple no?
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon….at dahil na rin siguro sa mataimtim kong panalangin ke bathalumang Ether….bigla akong naka access sa friendster account ko today….wag kang OA…di ko araw araw tina try mag log in no….ngayon lang…parang nadama ko lang na makakapasok ako…at tama ako! Kaya heto ako…sinasamantala ang pagkakataon. Sana hindi lamang ito isang fluke.
Ano ang bago sa akin? Ipod Video, sapatos, tsinelas, at dalawang polo. Bukod dito…nothing fundamental…parang macro economic variables…changed.
Nanood ako ng Brokeback nung Saturday…although napanood ko na sya sa Dibidi…panoorin nyo ito…powerful! Sa aking mga gay friends maaaliw kyo dito…para sa aking mga hetero na friends…sana makita ninyo ang tunay na mensahe ng pelikula…love transcends gender, sexual preference, time, and space…sana ma realize nyo ito after nyong maduwal duwal sa bed scene ne Ennis at Jack…ok lang… kami rin naman naduduwal pag may hetero bed scene…etchos!
Zsazsa padilla…mag ta-trabaho na ako…promise.